 |
KRISIS KABABAYAN
|
Wala na namang hanap-buhay si itay;
Pudpud na'ng mga daliri ng aking nanay.
Kaya't heto ako, ang pag-asa ng bansâ ~
Nalilipásan, kumakayod, at nagbabatâ.
|
Ikaw: kababayan ba kita?
Bakit mo kaya ako ikinahihiya?
Mas malapit ako sa pinanggalingan ~
Magkikita rin tayo sa huling putikán.
|
Anong malasakit ang iyong pinagmamalaki?
Wala ka bang habág sa 'yong inang bayan?
Ang tangan ko ba'y kinabukasang sawi?
Hindi mo ba ako matutulungan?
|
Kabayan, huwag mo'ng takasan ang ating krisis
Alimango lamang ang tumatakbo nang palihis!
Ang di marunong tumugón sa lupang sinilángan
Hindi makarárating sa paroroónan!
|
|